ARMM - AUTONOMOUS REGION IN MUSLIM MINDANAO
ANG
ALAMAT NG MINDANAO
(Legend)
Noong araw, nang hindi pa dumarating si Raha
Baginda upang ikalat ang mga aral ni Mahoma, ay dadalawang pulutong pa lamang
ng mga pulo ang pinaninirahan ng mga tao sa Pilipinas. Ang isa na nasa dakong
hilaga ay pinamamahalaan ni Datu Lusong. Si Datu Lusong ay nagtataglay ng
pambihirang lakas at tapang.
Siya'y may isang anak na dalagang ang pangalan ay Minda. Si Minda ay maganda,
malambing ang tinig, at mabini ang kilos. Humahanga ang lahat ng nakakakita sa
kanya.
Sa kalagitnaan naman ng Pilipinas, sa may pulong di-lubhang kalayuan sa pulo ni
Datu Lusong, ang namumuno ay isang sultang kilala sa tawag na Datu Bisaya. Siya
ay may malakas na hukbo na pinamumunuan ng kanyang anak na si Danaw. Mahal na
mahal si Danaw ng kanyang mga kawal dahil sa mabuti siyang magpasunod. At dahil
din sa kanyang husay at tapang, lagi silang tagumpay sa mga labanang kanilang
dinarayo.
Magkagalit sina Datu Lusong at Datu Bisaya. Madalas silang nagsasagupaan noon
pa mang sila'y mga binata pa. Nais ng bawat isa na sakupin ang kaharian ng
isa't isa. Ngunit napansin nila na walang mangyayari sa kanilang paglalaban.
Nauubos lamang ang kanilang mga kawal. Hindi sila magkatalunan. Dahil dito,
minabuti nilang magka-sundo na. Upang maging ganap ang kanilang pagka-kasundo,
iminungkahi ni Datu Lusong ang pag-iisang dibdib ng kani-kanilang anak na sina
Minda at Danaw.
Malugod namang sumang-ayon si Datu Bisaya. Itinakdang ganapin ang kasal sa
isang malaking pulo sa dakong timog. Ang pulong ito ay bago pa lamang nasasakop
ni Datu Danaw.
Bago pa lamang nagbibilog ang buwan ay lulan na ng kanilang paraw sina Datu Lusong,
Minda, at mga kawal patungo sa pulo na pagdarausan ng kasal. Doon nama'y
naghihintay na ang mag-amang Datu Bisaya at Danaw at mga kawal nito.
Nang dumating sila sa pulo ay nagsimula na ang paghahanda. Nagluto sila ng
masasarap na pagkain at inilabas ang kanilang mga alak. Idinaos ang kasal
matapos na sila'y mag-alay sa kanilang diyos. Masayang-masaya ang lahat.
Tumagal ng tatlong araw at tatlong gabi ang kasayahan. Pagkatapos ng pagsasaya
ay nagtalumpati si Datu Bisaya.
"Ang pulong ito ay inireregalo ko sa mga bagong kasal. Dito na sila
maninirahan. Sinumang may nais sumama sa kanila ay maaari nang maiwan dito.
Mula ngayon, ang pulong ito ay tatawaging Minda-Danaw."
Maraming kawal ang nagpaiwan sa pulo kasama ng mga bagong kasal. Doon na sila
nanirahan sa pamumuno ni Danaw.
Sa nilakad-lakad ng panahon, ang pangalang Minda-Danaw ay naging Mindanaw. Sa
pag-unlad ng wika, ito ay naging Mindanao.
Ngayon, ang Mindanao ay pangalawa sa pinaka-malaking pangkat ng mga pulo sa
Pilipinas. Ito'y sagana sa mga likas na yaman.
Pinoy Edition © 2019 - All rights reserved.
Source: https://www.pinoyedition.com/mga-alamat/ang-alamat-ng-mindanao/
Siya'y may isang anak na dalagang ang pangalan ay Minda. Si Minda ay maganda, malambing ang tinig, at mabini ang kilos. Humahanga ang lahat ng nakakakita sa kanya.
Sa kalagitnaan naman ng Pilipinas, sa may pulong di-lubhang kalayuan sa pulo ni Datu Lusong, ang namumuno ay isang sultang kilala sa tawag na Datu Bisaya. Siya ay may malakas na hukbo na pinamumunuan ng kanyang anak na si Danaw. Mahal na mahal si Danaw ng kanyang mga kawal dahil sa mabuti siyang magpasunod. At dahil din sa kanyang husay at tapang, lagi silang tagumpay sa mga labanang kanilang dinarayo.
Magkagalit sina Datu Lusong at Datu Bisaya. Madalas silang nagsasagupaan noon pa mang sila'y mga binata pa. Nais ng bawat isa na sakupin ang kaharian ng isa't isa. Ngunit napansin nila na walang mangyayari sa kanilang paglalaban. Nauubos lamang ang kanilang mga kawal. Hindi sila magkatalunan. Dahil dito, minabuti nilang magka-sundo na. Upang maging ganap ang kanilang pagka-kasundo, iminungkahi ni Datu Lusong ang pag-iisang dibdib ng kani-kanilang anak na sina Minda at Danaw.
Malugod namang sumang-ayon si Datu Bisaya. Itinakdang ganapin ang kasal sa isang malaking pulo sa dakong timog. Ang pulong ito ay bago pa lamang nasasakop ni Datu Danaw.
Bago pa lamang nagbibilog ang buwan ay lulan na ng kanilang paraw sina Datu Lusong, Minda, at mga kawal patungo sa pulo na pagdarausan ng kasal. Doon nama'y naghihintay na ang mag-amang Datu Bisaya at Danaw at mga kawal nito.
Nang dumating sila sa pulo ay nagsimula na ang paghahanda. Nagluto sila ng masasarap na pagkain at inilabas ang kanilang mga alak. Idinaos ang kasal matapos na sila'y mag-alay sa kanilang diyos. Masayang-masaya ang lahat. Tumagal ng tatlong araw at tatlong gabi ang kasayahan. Pagkatapos ng pagsasaya ay nagtalumpati si Datu Bisaya.
"Ang pulong ito ay inireregalo ko sa mga bagong kasal. Dito na sila maninirahan. Sinumang may nais sumama sa kanila ay maaari nang maiwan dito. Mula ngayon, ang pulong ito ay tatawaging Minda-Danaw."
Maraming kawal ang nagpaiwan sa pulo kasama ng mga bagong kasal. Doon na sila nanirahan sa pamumuno ni Danaw.
Sa nilakad-lakad ng panahon, ang pangalang Minda-Danaw ay naging Mindanaw. Sa pag-unlad ng wika, ito ay naging Mindanao.
Ngayon, ang Mindanao ay pangalawa sa pinaka-malaking pangkat ng mga pulo sa Pilipinas. Ito'y sagana sa mga likas na yaman.
Pinoy Edition © 2019 - All rights reserved.
Source: https://www.pinoyedition.com/mga-alamat/ang-alamat-ng-mindanao/
————————————————————————————————————————
Pinagmulan ng Guimad (Origin of Guimad)
(Legend)
Noong
unang panahon, si Gu-i-mad, isang pangulo ng mga subanon sa isang kilalang
lugar. Siya ay matulungunin, mapagbigay, at mayroong maayos na pananaw sa
kanyang mga nasasakupan. Isa siya sa mga taong mayroon ding nalalaman sa
pagpapagaling sa mga hindi kalalakihang sakit. Madali siya lapitan ng mga tao,
hindi siya maramot sa mga taong nangangailangan sa kanyang tulong. Ginagalang
siya sa lahat ng mga tao pati na rin sa mga malalaking tao sa ibang tribo.
May
isang araw na kinailangan niyang pumunta sa isang lugar para sa gawing usapan.
Sinakyan niya ang kanyang kabayo para puntahan ang lugar sa isa niyang
kaibigan. Sa panahon na siya’y papauwi na, malakas na malakas ang ulan at
hangin. Sa hindi inaakalang pangyayari, biglang humampas ang malakas na baha.
Sa
kasawiang palad, natangay siya ng baha pati na rin ang kanyang kabayo at hindi
na siya nakita. Sa pasikat ng araw, nakita ng mga tao si Gu-i- mad sa gilid ng
sapa na wala ng buhay at may maraming mga pasa sa katawan.
Ilang
araw ang nakalipas matapos ang pangyayaring ito, napagdisisyunan ng mga tao na
Guimad ang ipapangalan nila sa kanilang lugar, dahil na rin sa pagpapaalala sa
kabutihang nagawa ni Gu-i-mad. Napagkasunduan din nila na ibahin ang
nakarehistro. Naging Guimad ang nasabing lugar na hango kay Gu-i-mad na pangulo
ng mga subanon noon. Hanggang ngayon, ito na ang pangalan ng lugar na ito.
————————————————————————————————————————
The
Legend of Lanao Lake
(Legend)
In
ancient Lanao, there once lived a giant called Umacaan. He was so enormous that
when he spread his arms sideward, they spread as far as thirty kilometers
apart. Almost anything was within easy reach, best of all, men whom he loved to
eat. Men flee at the sight of him. No one dared come out to the mountains for
fear of losing their lives at the hands of the man-eating giant.
In
no time, news about Umacaan reached as far as the kingdom of Bumbaran and came
to the knowledge of its brave princes, Rajah Indarapatra and Rajah Soliman.
They swore to kill the monster. The next day, they both set out to slay the
man-eater. However, they didn't leave at the same time. Rajah Soliman went
ahead and reached Lanao to fight. Umacaan tricked Soliman into cutting him into
several pieces, each piece becoming another giant Umacaan. The prince simply
proved to be no match to the creature.
Some
time later, Rajah Indarapatra reached Lanao. As soon as he arrived, he was
informed by a spirit-queen of his brother's fate. Angrily, he swore to avenge
his brother's death. Before he went on his way the spirit-queen gifted him with
a magic sword to enable him to defeat the giant. Later that same day, the two
combatants met near the shores of Lanao Lake.
When
the fight began, Umacaan pulled several trees and hurled them at Rajah
Indarapatra who was quick to dodge and got out safely. Next, the giant reached
for some soft clay and formed big round balls out of it and threw them
successively at the prince. Once more the quick Rajah Indarapatra made swift
plunges to avoid getting hit by the round clay balls so that some of them fell
into the lake while the others landed on the plains and turned into hills and
mountains that surround the famous Lanao Lake. At any rate, when Rajah Indarapatra
had his turn, he help up the magic sword that could wound any opponent by
merely pointing at him. As he did, Umacaan yelled in pain until he fell down to
his death.
Up
to now, if one were to visit Lanao Lake, one will easily notice small floating
islands all around the lake. Some of the islands are big enough to accomodate a
number of families, while the others are too small for even a single nipa hut
to stand on. These islands were believed to have formed out of the clay balls
Umacaan threw at Rajah Indarapatra that fell into the lake, while the hills and
mountains that surround the lake came from those clay balls that landed on the
plains and dried over time, as the legend had it.
Reference:
APA:
Astorias, N.P. (no date published) " Myths and Legends 3: Take a journey
back in time".
——————————————————————————————————————
LIMPANGAN
AGO ANTOKA/PUZZLES AND RIDDLES
Limpangans (puzzles) are for the adults while Antokas (riddles) are for children. (Madale, 1942)
Antokas are done when the children of Maranao gathers and play, the child that answers it correctly is considered to be as intelligent and the role model. (Madale, 1942)
Example of Antoka:
Ladia sa kalaan
A di ketangalan sa ig.
A cup from the forest
Which can not hold water
Example:
So bawing a ketesen
Na mi song bo sa ketesen
Na makapemagenesa
A bunch of bawing plants
May grow apart
But they are one when being pulled
Comments
Post a Comment